
National Shrine of Our Lady of Lourdes 2023
February 11, 2023
Ang National Shrine of Our Lady of Lourdes sa Amoranto Street ay magdiriwang ng kapistahan ng Lourdes sa February 11, 2023. Magkakaroon ng serye ng Banal na Misa para sa kapistahang ito. Isa dito ang Triduum sa City Hall simula Pebrero 8 hanggang 10, 2023 sa ganap na 12:00 ng tanghali. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga gagawing Banal na Misa sa simbahan at sa City Hall.
Ang National Shrine of Our Lady of Lourdes ay itinuturing na “Healing Church of Our Lady” dahil sa dami ng mga natupad na kahilingang pangkalusugan at pagdedebosyon sa Mahal na Birhen. Matatagpuan din sa simbahan ang mga piraso ng bato mula sa Lourdes, France, ang lugar kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen.
You must be logged in to post a comment.