Novaliches District Hospital OPD schedule advisory

April 14, 2022

Abiso sa ating QCitizens!

Bilang paggunita sa panahon ng kwaresma, pansamantalang isasara ng Novaliches District Hospital ang kanilang Outpatient Department (OPD) mula April 14-15, 2022 (Huwebes at Biyernes). Muli naman itong bubuksan sa April 18, 2022 (Lunes).

Para sa emergency health concerns, maaaring bisitahin ang Novaliches District Hospital Satellite Clinic.