
Our Lady of Lourdes: Dalaw Patrona
February 8, 2025Ang Pamahalaang Lungsod Quezon ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Lourdes sa February 11, 2025. Magkakaroon ng Misa sa QC Hall Inner Lobby High Rise Building sa February 7, 2025 sa ganap na 12:00 ng tanghali. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo.
Ang National Shrine of Our Lady of Lourdes ay itinuturing na “Healing Church of Our Lady” dahil sa dami ng mga natupad na kahilingang pangkalusugan at pagdedebosyon sa Mahal na Birhen. Matatagpuan din sa simbahan ang mga piraso ng bato mula sa Lourdes, France, ang lugar kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen.
Date: February 8, 2025
Time: 12:00 n.n.
Venue: QC Hall Inner Lobby High Rise Building