
Photography Workshop: National Arts Month 2025
February 18, 2025Tuklasin ang ganda ng mundo sa likod ng kamera!
Sa pagdiriwang ng 2025 Buwan ng mga Sining, sama-sama nating saliksikin ang sining ng potograpiya. Tuklasin ang tamang timpla ng liwanag, anggulo, at emosyon ng mga kwento sa bawat litrato.
Dalhin ang inyong lente sa Pebrero 18, 2025 sa QC Hall, MICE Center at alamin ang mahika ng pagkuha ng larawan.
Bukas ang workshop na ito sa lahat ng estudyante mula sa sekondarya ng Lungsod
Quezon.
Iclick lamang ang link sa ibaba upang makita ang mga karagdagang impormasyon at makapagparehistro:
https://forms.gle/aBfMTTjmQ7ZM6yUR9
Date: February 18, 2025
Venue: MICE Center, Quezon City Hall