
Public Consultation: Safe School Zone Ordinance of Quezon City
February 24, 2026Kayo ba ay may mga anak, apo o pamangkin na nag-aaral? Nais mo bang makisama sa diskusyon ukol sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan at paligid nito?
Inaanyayahan po kayo ng 23rd City Council na dumalo sa isang mahalagang Public Consultation ngayon araw na ito, Pebrero 24, 2026 sa Quezon City M.I.C.E. Center Quezon City Hall.
Ito po ay isang natatanging pagkakataon upang magkaisa at magbahagi ng pananaw sa isang makabuluhang talakayan kasama ang mga miyembro ng komunidad, iba’t ibang sektor, at mga stakeholders.
Layunin ng konsultasyong ito na talakayin ang pagsusulong ng polisiya na naglalayong gawing mas ligtas ang mga paaralan at paligid nito para sa mag-aaral at mga nakapaligid dito. Mga bagay na dapat pag-usapan para sa Safe School Zone Ordinance ng Quezon City.
Tara’t magkaisa para sa isang ligtas, makatao, at maasahang komunidad! Sama-sama nating pagtibayin ang ating adbokasiya para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at QCitizen.
Date: February 24, 2026
Time: 9:00 a.m.
Venue: M.I.C.E., Quezon City Hall



