
QCCDC Calendar of Activities – June 2025
June 1, 2025Heads up, QCitizens!
Bilang paghahanda sa pagsisimula ng City-Operated Child Development Centers (CDCs) School Year 2025-2026, narito ang listahan ng Schedule para sa buwan ng Hunyo:
Posting of Enrollees — Tingnan ang listahan para makumpirma ang pangalan at oras ng klase ng inyong anak.
Parents’ Orientation — Magkakaroon ng talakayan ukol sa programa, responsibilidad, at consent form.
Bayanihang Bulilit — Sama-samang paglilinis at pag-aayos ng CDC bago ang pasukan.
Start of Classes (S.Y. 2025–2026) — Magsisimula na ang unang hakbang sa pagkatuto ng kabataang QC.
PAALALA: Hanggang bukas, May 30, 2025 na lamang ang walk-in enrollment.
Date: June 1, 2025