
QCDRRMO Calendar of Activities – July 2025
July 30, 2025QCitizens, laging maging handa sa anumang sakuna!
Ipinagdiriwang taun-taon tuwing buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month, alinsunod sa Executive Order No. 29 S. 2017.
Bilang pakikiisa ngayong taon, iba-ibang aktibidad ang inihanda ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Makakaya nating harapin ang anumang banta ng kalamidad o sakuna, sa pamamagitan ng pagiging handa, pagkakaroon ng tamang impormasyon, disaster drills, at pagtutok sa kalikasan.