
Rabies Awareness Month Kickoff – Quezon Memorial Circle
March 6, 2025Calling all QCitizen furparents!
Halina’t sumali sa libreng kapon ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Quezon City Veterinary Department at Animal Care and Disease Control Division, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month.
Gaganapin ito sa March 6, 2025 (Huwebes) sa Quezon Memorial Circle, mula 9:00 ng umaga.
Narito ang mga requirement na kailangan:
Valid ID with QC Address
Pets must be aspin until 3 years of age, weighing at least 2 kg.
Mag-register lang sa link na ito, para makasali: https://forms.gle/WE3gAgYZNj6ywvkX6
Hintayin ang confirmatory email na may kasamang registration number hanggang March 5, 2025 (Miyerkules), para malaman kung kasama ang inyong mga alagang aso at pusa.
PAALALA: 200 male cats, 50 female cats, at 10 male aspin dogs lamang ang tatanggapin.
I-follow ang official Facebook page ng Quezon City Veterinary Department at Animal Care and Disease Control Division para sa iba pang veterinary services ng lokal na pamahalaan ngayong buwan ng Marso.
Date: March 6, 2025
Time: 9:00 a.m.
Venue: Quezon Memorial Circle