Services Caravan – Brgy. Commonwealth
February 8, 2025QC SERVICES CARAVAN SA BRGY. COMMONWEALTH!
The long wait is over mga kaDOStrito! Aarangkada na muli ang QC SERVICES CARAVAN na magbibigay at maglalapit ng mga iba’t ibang serbisyo para sa mga QCitizens sa February 08, 2025 na gaganapin sa Doña Carmen Subdivision, Covered Court, Brgy Commonwealth simula 8am-3pm.
Ang QC Services Caravan ay handog ng ating butihing Mayor Joy Belmonte sa pangunguna ng District 2 Action Office na may layuning mailapit ang mga serbisyo at programa ng lungsod katuwang ang mga sumusunod na opisina:
City Civil Registry Department (CCRD)
Department of Building Official (DBO)
Public Employment Services Office (PESO)
Quezon City Youth Development Office (QCYDO)
Persons With Disability Affairs Office (PDAO)
Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA)
Quezon City Health Department (QCHD)
Social Services and Development Department (SSDD)
Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD)
Magbibigay din ng serbisyo ang mga opisina nina:
Vice Mayor Gian Sotto: Drug Rehabilitation, Blood Pressure Monitoring, Free Haircut and Hair Spa
Cong. Ralph Tulfo: Social Services and Free Medicine
Coun. Aly Medalla: Free Eyebrow Shaping
Coun. Candy Medina: Free Popcorn
Coun. Dave Valmocina: Free Detox
Coun. Rannie Ludovica: Philhealth Registration, Free Acupuncture and Massage
Coun. Mikey Belmonte: Free Popcorn and Fairy Floss
Kaya huwag ng magpatumpik-tumpik pa at ayain na ang mga kapit-bahay, kamarites at mga tropa para hindi mahuli sa mga serbisyo ng ating lungsod!
Kita kits kaDOStrito!
Date: February 8, 2025
Time: 8:00 a.m. to 3:00 p.m.
Venue: Doña Carmen Subdivision, Covered Court, Brgy. Commonwealth