
Services Caravan – Brgy. Talipapa, District 6
July 13, 2024 ANNOUNCEMENT!!!
Magandang Balita sa mga minamahal naming QCitizens ng Brgy. TALIPAPA – Distrito Sais!
Sa pangunguna po ng Office of the City Mayor- Quezon City, ikinagagalak po naming ipabatid sa inyo na ang Distrito Sais ay magsasagawa po ng “UNA KA SA SERBISYO CARAVAN” sa araw ng sabado, HULYO 13, 2024 sa VILLA FLORENCIA COVERED COURT, BRGY. TALIPAPA sa oras na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.
Layunin ng ating minamahal na Mayor Joy Belmonte na mas mapalapit sa publiko ang mga serbisyo, programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga District Action Offices ng kung saan maaari po ninyong isangguni ang inyong mga katanungan at concerns para mabigyan ng agarang serbisyo.
Makikita sa mga sumusunod na litrato ang mga serbisyo na maaari ninyong tangkilikin.
Magkita-kita po tayo dito QCitizens!
Date: July 13, 2024
Time: 7:00 a.m. – 12:00 n.n.
Venue: Villa Florencia Covered Court, Brgy. Talipapa