
VACCINATION SCHED: May 12, 2022 – Second Booster for Adults
May 12, 2022Maaari nang mag-book ng second dose booster shots ang mga KWALIPIKADONG SENIOR CITIZEN (80 years old pataas) at immunocompromised persons base sa listahan ng DOH Memorandum No 2022-0154.
ANG SECOND BOOSTER SHOTS AY IBIBIGAY SA MGA NABAKUNAHAN NG UNANG BOOSTER SHOT, TATLONG BUWAN O HIGIT PA ANG NAKALIPAS.
Para sa edad eighteen (18) hanggang seventy-nine (79) years old, kailangang magpakita ng medical certificate na nagpapatunay sa kanilang immunocompromised status.
Base sa DOH Memorandum No 2022-0154, ang immunocompromised person ay may:
a. immunodeficiency state
b. HIV
c. active cancer o malignancy
d. transplant recipients
e. sumasailalim sa steroid treatment
f. patients with poor prognosis/ bed ridden patients
g. At iba pang immunodeficiency condition na masesertipikahan ng isang doktor
Ang mga indibidwal na edad eighty (80) pataas ay maaaring makatanggap ng 2nd booster kahit walang medical certificate at hindi immunocompromised.
Dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card para sa magpapabakuna ng booster shot.
Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) para sa vaccination sites at schedule ng inyong pagbabakuna.Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.
Tingnan dito ang gabay at mga dapat malaman tungkol sa 2nd booster shot: https://www.facebook.com/100069139452704/posts/299753465672633/?d=n

