VACCINATION SCHED: May 04, 2022 – Second Booster for Adults (Immunocompromised)

May 4, 2022

Maaari nang mag-book ng second dose booster shots ang mga senior citizen at immunocompromised persons base sa listahan ng DOH Memorandum No 2022-0154.

ANG SECOND BOOSTER SHOTS AY IBIBIGAY SA MGA NABAKUNAHAN NG UNANG BOOSTER SHOT, TATLONG BUWAN O HIGIT PA ANG NAKALIPAS.

Para sa mga immunocompromised persons edad eighteen (18) hanggang seventy-nine (79) years old ay kailangang magpakita ng medical certificate na nagpapatunay sa kanilang immunocompromised status:

a. immunodeficiency state
b. HIV
c. active cancer or malignancy
d. transplant recipients
e. undergoing steriod treatment
f. patients with poor prognosis/ bed ridden patients
g. other conditions of immunodeficiency as certified by physician

Ang mga indibidwal na edad eighty (80) pataas ay maaaring makatanggap ng 2nd booster kahit walang medical certificate.

Dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card para sa magpapabakuna ng booster shot.

Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) para sa vaccination sites at schedule ng inyong pagbabakuna.

Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.

Tingnan dito ang gabay at mga dapat malaman tungkol sa 2nd booster shot: https://www.facebook.com/100069139452704/posts/299753465672633/?d=n