VACCINATION SCHED: May 16 – 21, 2022

May 16, 2022

Maaari nang mag-book ng first dose, missed second dose (defaulter), at first booster shot ang mga kabilang sa adult population, habang first dose at missed second dose (defaulter) naman para sa pediatric (12-17 years old) population at sa mga batang edad 5-11 years old.

ANG FIRST BOOSTER SHOT AY IBINIBIGAY SA MGA NABAKUNAHAN NG SECOND DOSE, TATLONG BUWAN O HIGIT PA ANG NAKALIPAS. DALAWANG BUWAN NAMAN MULA SA FIRST DOSE KUNG ANG BAKUNA AY JANSSEN.

Para sa magpapabakuna ng booster, dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card.Patuloy rin ang pagbabakuna sa adult population ng kanilang first dose.

Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) at pumili sa vaccination sites at schedule.

Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.