Vaccination Schedule – July 26, 27 & 30, 2022

July 26, 2022

Maaari nang mag-book ng first dose, missed second dose (defaulter), at first booster shot ang mga kabilang sa pediatric (12-17 years old) population, habang missed second dose (defaulter), at first booster shot para sa adult population at first dose at missed second dose (defaulter) naman para sa mga batang edad 5-11 years old.

MAAARI NANG TUMANGGAP NG FIRST BOOSTER SHOT ANG MGA KABATAANG EDAD 12-17 YEARS OLD, DALAWAMPU’T WALONG (28) ARAW MULA SA SECOND DOSE ANG MGA KABILANG SA IMMUNOCOMPROMISED GROUP AT SUMANGGUNI SA INYONG DOKTOR KUNG KAILANGAN NA SA ISANG OSPITAL MAGPABAKUNA. PARA NAMAN SA NATITIRANG PEDIATRIC POPULATION (12-17 YEARS OLD), LIMANG (5) BUWAN ANG DAPAT NA PAGITAN NG SECOND DOSE AT NG FIRST BOOSTER SHOT.

ANG FIRST BOOSTER SHOT PARA SA ADULT POPULATION AY IBINIBIGAY SA MGA NABAKUNAHAN NG SECOND DOSE, TATLONG BUWAN O HIGIT PA ANG NAKALIPAS. DALAWANG BUWAN NAMAN MULA SA FIRST DOSE KUNG ANG BAKUNA AY JANSSEN.

Para sa magpapabakuna ng booster, dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card.Patuloy rin ang pagbabakuna sa adult population ng kanilang first dose.

Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) at pumili sa vaccination sites at schedule.

Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.

Tatanggap lamang po ng walk-ins ang mga vaccination site simula ala-una ng hapon (1:00PM).Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.