Upang mas maraming trabaho ang maibigay sa high school graduates at senior high school students, nagkaroon ng partnership ang Concentrix at ang Quezon City Local Government para sa programang “Call Center Academy”.
Dito ay magkakaroon ng training at seminars na makakatulong sa mga residente ng lungsod na nais pumasok sa business process outsourcing (BPO) industry.
Bukas din ito para sa ating mga senior citizen, person with disability (PWDs) at iba pang gustong maging bahagi ng Call Center Academy.
Dumalo rito sina Mayor Joy Belmonte, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, mga representative ng Public Employment and Services Office (PESO) at Person with Disability Affairs Office (PDAO), at Mr. Mike Montero ng Concentrix.