Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng iba-ibang departamento ng lungsod para pag-usapan ang bubuuing Calorie Labeling Policy sa Quezon City, sa pakikipagtulungan sa Imagine Law at Partnership for Health Cities (na sinusuportahan ng Bloomberg Philanthropies, Vital Strategies, at World Health Organization).

Ibinahagi ng mga dumalo ang kani-kanilang suhestyon para mas mapagtibay at mas maging angkop pa ang gagawing polisiya para sa mga QCitizen.

Nakibahagi rin sa policy workshop sina Coun. Aly Medalla, Coun. Bernard Herrera, at Vital Strategies Senior Manager Farhad Ali.

Sa pamamagitan ng calorie labeling policy, magiging available na ang calorie content sa mga menu ng mga restaurant sa lungsod.

Noong Marso, lumagda si Mayor Joy Belmonte, at Vital Strategies Director Ariella Rojhani ng subgrant agreement para sa pagbuo ng calorie labeling policy sa QC.

#Cities4Health

May be an image of 8 people
May be an image of 9 people, people studying, table and text
May be an image of 3 people, people studying and text
May be an image of 16 people, people studying and text