CALORIE LABELLING POLICY IPAPATUPAD SA QC!
Pinirmahan na ni Mayor Joy Belmonte ang ipatutupad na Calorie Labelling Policy sa Lungsod Quezon. Layon nitong mas gawing healthy-living at makaiwas sa mga noncommunicable diseases ang QCitizens.
Binubuo na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ordinansa at matapos itong maaprubahan, may 1 year grace period pa bago ito tuluyang ipatupad sa QC.
Magbibigay ito ng mandato sa mga restaurants at iba pang food businesses sa QC na ilagay ang calorie count ng kanilang mga ibinibentang pagkain.
Nilinaw din ng alkalde na hindi sakop ng policy ang mga maliliit na negosyante, ambulant vendors, at mga karinderya sa lungsod.
Kasama ni Mayor Joy sa press conference ang mga ordinance authors na sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. Irene Belmonte, Coun. Aly Medalla, Coun. Ram Medalla, at QC Health Department Nutritionist Jai Sideco.




