Ipinagtibay ng pamahalaang lungsod at partner agencies ang kanilang suporta at commitment sa Cancer Control Programs ng QC.
Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte ang mga hakbang sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa pag screen ng mga pasyente hanggang sa kanilang pagpapagamot.
Kasama rin sa pinag-usapan ang pag nominate ng Philippine Cancer Society sa lungsod para sa City Cancer Challenge o C/Can. Layon nitong matulungan ang mga lungsod na makapaghatid ng quality cancer care para sa kanilang mga residente.
Nakiisa sa programa sina Asst. City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, QC Cancer Control Coordinator Dr. Karen See, city-owned hospital directors, non-government organizations, at partner medical facilities.