Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa inorganisang Capacity Building Seminar ng Barangay and Community Relations Department (BCRD) para sa mga miyembro ng Quezon City People’s Council – Social Justice/Peace and Order Sector sa QCX Complex Museum.

Binubuo ang sektor ng 191 civil society organizations na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod.

Ilan sa mga tinalakay sa seminar ay ang RA 9262 o ang Violence Against Women and Children, diskusyon sa Mental Health and Medication, mga kinahaharap na isyu at problema sa kani-kanilang komunidad, at ang kanilang mandato upang mapanatili ang kapayapaan sa QC.

Present din sa seminar sina BCRD head Ricky Corpuz, QC People’s Council Sectoral Rep. Eddie Dela Torre, at Atty. Vanessa Maguigad.

+7