Nagsagawa ng capacity building seminar ang Lungsod Quezon at Department of Trade and Industry (DTI) para sa 80 na kawani ng lokal na pamahalaan mula sa QC Economic Investment Development Board at mga miyembro ng QC Economic Cluster sa City Hall ngayong araw.

Inorganisa ito ng Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO), katuwang ang DTI-Board of Investments (BOI).

Layon ng seminar na magbigay ng comprehensive training tungkol sa Local Investment and Incentives Code (LIIC) na mahalaga para sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.

Kabilang sa tinalakay ang mga proseso ng pagnenegosyo, local investments, at pagiging business-friendly ng lungsod. Ipinaliwanag din ang CREATE Act, Strategic Investment Priority Plan, Retail Trade Liberalization Act, Public Service Act, at ang pagbuo ng LIIC.

Dumalo rin sina Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, LEIPO Head Juan Manuel J. Gatmaitan, City Planning and Development Department OIC Jose Gomez, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, at Atty. Leo Albert A. Lazo ng Business Permits and Licensing Department.

Nagsilbing speakers ang mga opisyal at kawani ng BOI na sina Director Ernesto Delos Reyes Jr., Division Chief Lubin De Vera Jr., Senior Investment Specialist Hannah Jamaign Barroquillo, at Investment Specialist Hershey Serrano.

+26