BOOK MOBILE SA TOMAS MORATO!
Mas nailapit ng Quezon City Public Library (QCPL) ang kanilang programa para sa mga kabataan at kanilang mga ina sa espesyal na booth na ‘Space Reading for Mothers and Children,’ na bahagi QC Kababaihan Festival: Ibalik ang Saya sa Kalsada.
Ngayong Car-Free, Carefree Sunday sa Tomas Morato, nagdaos ang QCPL ng puppetshow, kasama ang iba-ibang board games at art activities na nasubukan ng QCitizens.




