Happy Sunday, QC!
Nakisaya ang ilang QCitizens sa Car-free, Carefree Tomas Morato kung saan nag-zumba, tai chi, jogging, at biking ang mga residente.
Kasama rin sa pag-eehersisyo at pamamasyal ang mga cute na furbabies.
Nanguna sa programa ngayong araw ang Quezon City Local Economic Development and Investment Promotions Office (QC LEDIPO).




