Ngayong Easter Sunday, masaya at plastic-free ang kahabaan ng Tomas Morato!
Iba-ibang aktibidad ang inihanda ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) para sa mga QCitizen na nakibahagi sa Car-free, Carefree Tomas Morato ngayong Easter Sunday.
Kumpleto ang mga programa para sa lahat ng edad; mayroong Easter Egg Word Hunt Activities para sa mga bata; Easter Zumba with Joshua Zamora para sa mga young at heart; at libreng bike clinic para sa mga nais matutong magbisikleta.
Mayroon ding Kilo/s Kyusi Clothes donation drive, Mobile Library handog ng QC Public Library, at libreng fruit-bearing o native trees para sa mga QCitizen na nais magtanim.
At bilang bahagi ng kampanya ng lungsod tungo sa pagiging plastic-free, tiniyak din na walang single-use plastics at tanging reusable bags at refillable water containers ang gamit ng mga nakilahok sa mga aktibidad.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




