Walk for Clean Air, Walk for the Future!
Ngayong unang anibersaryo ng Car-free, Carefree Tomas Morato, sama-samang naglakad ang mga organisasyon, opisyal, at mga residente bilang panawagan sa malinis na hangin at mas malusog na kinabukasan.
Daan-daang advocates ang nakiisa sa Walk for Clean Air, na inorganisa ng Health Care without Harm Southeast Asia at 350 Pilipinas, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government, Quezon City Police District (QCPD), at Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB).
Ipinakita naman ng mga QCitizen ang kanilang suporta para sa malinis na hangin, sa pamamagitan ng palm print activity sa “Our Right to Breathe” banner.
Bukod sa zumba, running, at iba pang aktibidad, may inihanda ring Know Your BMI at Mental Health booth ang Quezon City Health Department.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, kung saan isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.








