First Sunday of the month is Car-Free, Carefree Tomas Morato day!
Ngayong unang Linggo ng Enero, sama-samang nag-zumba, nag-jogging, tumakbo, nagbisikleta, at nag-ehersisyo ang mga QCitizen sa car-free, care free Tomas Morato.
Sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, isasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces Avenue tuwing unang Linggo ng buwan, mula 6:00 AM hanggang 10:00 AM.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pag-eenjoy ng car-free Tomas Morato, kasama sina Coun. Irene Belmonte, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia, Barangay Sacred Heart Chairperson Camille Malig-David, TTMD Chief Dexter Cardenas, at PAISD Head Bert Apostol.
Layon ng Car-free, Carefree Tomas Morato na isulong ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng active mobility, at pagtitiyak ng mas ligtas na kalsada para sa publiko. Target din nitong makatulong sa paglago pa ng mga negosyo sa kahabaan ng Tomas Morato.