Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday, sabay-sabay na tumakbo ang mga QCitizen at kanilang furbabies sa QC ‘Fur Run’ bilang bahagi ng Rabies Awareness Month celebration ng lungsod.
Bukod sa fur run, nagsagawa rin ang Quezon City Veterinary Department (QCVD) ng libreng anti-rabies vaccination, microchipping, deworming, at consultation.
May pet adoption naman ang QCVD Animal Care and Adoption Center para sa mga residenteng nais maging furparents.
Nagpa-zumba rin ang lungsod para sa mga QCitizen, kung saan pinarangalan ang mga best dressed at best dancer.
Ang Car-free Carefree Tomas Morato ay isinasagawa sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, kung saan isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




