Every Sunday na ang Car-free, Carefree Tomas Morato!
Ngayong Linggo, nakisaya at nakibahagi ang mga QCitizen sa iba-ibang Palarong Pinoy na handog ng QC Government sa pangunguna ng Quezon City Tourism Department.
Sa All Pinoy Sunday, may pa-Zumba, Piko, Chinese Garter, Tumbang Preso, at Sipa na sinalihan ng mga bata at kids at heart.
Mayroong ding POP QC entrepreneurs sa Tomas Morato, na may tindang iba-ibang produkto tulad ng kape, tinapay, juice, at rice meals.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Sakop nito ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




