Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday, sama-samang tumakbo ang mga QCitizen para sa mas maayos at maunlad na business ecosystem sa bansa!
Inorganisa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), katuwang ang Quezon City Government, ang ARTAkbo: Run for Better Business Movement bilang bahagi ng selebrasyon sa Ease of Doing Business Month.
Nakiisa ang QC Business Permit and Licensing Department (BPLD) sa programa, sa pangunguna ni BLPD Head Margie Mejia.
Bukod sa ARTAkbo, nag-jogging at zumba rin ang mga residente.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




