HAPPY SUNDAY, QC!
Maagang nag-ehersisyo ang QCitizens sa Car-Free, Carefree Tomas Morato kasama ang Civil Society Organizations at mga kawani ng QC Barangay and Community Relations Department.
Bukod sa mga aktibidad na zumba, jogging, at biking, may mga nakiisa rin sa pickeball match, street chalk art, at open mic session.
Dumalo rin ang ECPAT Philippines sa programa upang isulong ang kanilang adbokasyang mawakasan ang online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).




