Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday, sari-saring aktibidad ang handa ng lokal na pamahalaan para sa mga QCitizen!
Sa pangunguna ng Quezon City Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), nag-ehersisyo, nag-skate, naglaro, at nag-Zumba ang mga residente sa kahabaan ng Tomas Morato.
May fresh market, chalk art showcase area, live busking, at booths din ng iba-ibang serbisyo ng lungsod. Mayroon namang kiosk ang mga Startup QC alumni na Soolok at Kazam.
Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang aktibo at malusog na pangangatawan sa mga residente.










