Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Masiglang sinalubong ng mga QCitizen ang isa na namang Car-Free, Carefree Sunday na pinangunahan ng QC Youth Development Office, kung saan naging sentro ang wellness at active lifestyle.
Nakiisa ang mga residente sa iba-ibang activities gaya ng pagtakbo, pagbibisikleta, jogging, tai chi, at zumba na nagbigay-sigla sa kanilang Linggo ng umaga.
Kasabay nito, isinagawa rin ang SOGIE Campaign, Mental Health Awareness Booth, at HIV Testing and Awareness Booth upang palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa mental health, HIV at AIDS.










