Happy PinaSigla weekend, QCitizens!
Sama-samang nagsaya, nag-ehersisyo, at nagpapawis ang mga QCitizen ngayong Car-free, Carefree Sunday sa Tomas Morato.
Iba-ibang health services para sa mga residente ang inihanda ng Department of Health, Quezon City Health Department, at Quezon City University. Mayroon ding Kadiwa Market kung saan nakakabili ng fresh at murang mga gulay.
Nakisaya sa mga aktibidad sina Mayor Joy Belmonte at Secretary of Health Ted Herbosa, na bahagi ng selebrasyon sa Philippine Heart Month, Oral Health Month, National Cancer Awareness Month, at World Tuberculosis Day.
Target ng DOH na ikampanya sa bawat siyudad at munisipalidad ang pagkakaroon ng isang carfree, carefree street kada Linggo.
Sa Quezon City naman, dadagdagan pa ng lokal na pamahalaan ang mga carfree, carefree streets para mas maraming residente pa ang mahikayat na magkaroon ng active lifestyle.
Isinasaayos na rin ng lungsod ang mga sidewalk sa mga pangunahing kalsada kada distrito, para maisulong ang safe at walkable streets.
Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces. Pwedeng tumakbo, mag-jogging, at walking dito mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang aktibo at malusog na pangangatawan sa mga residente.








