Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Sunday, QCitizens!![]()
Tuloy-tuloy pa rin ang Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday!
Tuwing Linggo, isinasara ang kahabaan ng Tomas Morato (Scout Rallos hanggang Don A. Roces) mula 6am to 10am, para malayang makapag-ehersisyo at maisulong ang active lifestyle sa mga residente.
Iba-ibang pakulo at aktibidad ang inihanda ng Quezon Memorial Circle Administration para sa mga nag-eehersisyo sa Tomas Morato, kabilang ang mga palarong Pinoy, libreng live sketching, at chalk art.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay alinsunod sa City Ordinance 3345-2024.








