QCitizens, magkita-kita tayo sa Linggo at sabay-sabay tayong mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, mag-skating, at mag-ehersisyo sa Tomas Morato.
Makilahok na sa iba-ibang aktibidad na inihanda ng Office of the City Mayor – Task Force Disiplina, tulad ng piko, patintero, sack race, jump rope, hula hoop, batuhan ng bola, Chinese garter, at may face painting pa!
Sama-sama rin tayong umindak at sumayaw sa Dance Fitness Event ng HLA Philippines para mas masigla ang ating Linggo ng umaga.
See you there!
Basahin ang ordinansa sa link na ito: https://quezoncity.gov.ph/…/2025/01/SP-3345-S-2024.pdf





