QCitizens, let’s get physical!!!
Halina’t sumabak sa mga palaro at physical challenges ng QC Health Department (QCHD) sa Tomas Morato sa Linggo, June 1, 2025.
Ipamalas ang inyong galing at lakas sa push-up challenge, jump rope challenge, at hula hoop. Bibigyan rin ng pagkilala ang pinakamatandang QCitizen na dadalo sa Linggo.
May nakaantabay na hydration station kaya magdala ng sarili ninyong water tumblers.
Bisitahin rin ang mga booth ng QCHD para sa libreng counseling, HIV screening, risk assessment for non-communicable disease, at may face painting activity pa.


