QCitizens, isama na ang inyong furbabies para makisaya sa Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday ngayong March 30, 2025!
Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, magsasagawa ang QC Veterinary Department ng pet education program para sa fur-parents.
Magkakaroon din ng pet adoption para sa mga gustong mag-ampon ng aso o pusa, at may libreng veterinary services pa para sa inyong mga alaga.
Anti-Rabies Vaccination
Microchipping
Deworming
Consultation
Tatalakayin naman ng QC Health Department ang mga paraan para maiwasan ang rabies.
Kaya magkita-kita tayo sa Linggo, QCitizens!


