QCitizens, magkita-kita tayo sa Linggo at sabay-sabay tayong mag-jogging, mag-zumba, magbisikleta, mag-skating, at mag-ehersisyo sa Tomas Morato.
Makakasama natin ang mga kawani ng Novaliches District Hospital para sa masayang palarong Pinoy gaya ng Pinoy henyo, bato-bato-pick, calamansi relay, jackstone, pukpok-palayok, hula hoop, at pagalingan ng aso!
May mga booth rin ang NDH para sa libreng medical services tulad ng bone scan, blood pressure test, random blood sugar test, ankle-brachial index (ABI) testing, at may libreng vitamins pa.
Isuot na ang inyong pinakabonggang outfit at ‘wag kalimutang bitbitin ang to the max na energy dahil may award para sa Best Sportswear Attire, at Best Zumba Dancer.
Ibida na rin ang talento ng inyong furbabies dahil may award ang pinakamagaling na aso.
See you there!







