Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, isang masigla at makulay na Linggo ang naghihintay sa inyo sa Tomas Morato!
Sabay-sabay tayong mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, mag-skating, at mag-ehersisyo!
Kasama natin ang City Planning & Development Department (CPDD) para sa masasayang aktibidad tulad ng street chalk art, asintabla (cornhole), patintero, at piko.
Makibahagi rin sa kakaibang Aerial Arts Activity ng CPDD, katuwang ang Elite Aerial Arts. Mag-register lamang sa link na ito: bit.ly/AerialArt_QC o i-scan ang QR code.
Kaya isama na ang buong pamilya, barkada, at furbabies ninyo at magkita-kita tayo sa Linggo, September 7, 2025!






