Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang mga kinatawan ng Akbayan Party-list na sina Chel Diokno at Perci Cendaña, kasama si Councilor Atty. Vincent Belmonte, sa “Step Up for Healthy Hearts” kasabay ng Car-free, Carefree Sunday sa Tomas Morato.
Sama-samang naglakad, nakiisa, at nakisaya ang mga QCitizen sa iba-ibang aktibidad na inihanda ng pamahalaang lungsod.
Layon nitong paigtingin ang kampanya para sa heart health at pag-iwas sa heart disease, hanggang sa mga programang nagtataguyod ng active lifestyle.
Nagkaroon din ng iba-ibang sports activities na pinangunahan ng Sports Development Office, kung saan masiglang nakilahok ang mga kabataan at mga pamilya.








