SUNDAY, FUNDAY!
Daan-daan ang nakibahagi sa White Cane Walk 2025 na inorganisa ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Philippine Blind Union (PBU) na idinaos sa kabahaan ng Tomas Morato Avenue kasabay ng Car-free, Carefree Sunday.
Taon-taong isinasagawa ang solidarity walk sa Lungsod Quezon kasama ang mga persons with disabilities (PWDs) at advocacy organizations bilang pakikiisa sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga blind at persons with visual impairment.
Kinilala din ng PDAO at PBU si Mayor Joy Belmonte para sa kanyang mga inklusibong programa at buong suporta sa mga PWDs.
Binigyang parangal naman ang mga partner organizations, government agencies, at private sector para sa kanilang pagsuporta at kalinga sa mga persons with visual impairment.
Dumalo sa programa sina PDAO head Debbie Dacanay, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, PBU President Butch Robredo, PBU Chairman Jose Ching Ranola, Randy Calsena ng NCDA, at mga partner organizations.




