Another Sunday Funday sa Quezon City!
Sama-samang umindak at nakisaya ang mga QCitizen sa Car-free, Carefree Tomas Morato ngayong Linggo.
Sa pangunguna ng City Accounting Department, iba-ibang pakulo ang sinalihan ng mga residente tulad ng Accounting Flag Race, Budget Run: Financial Literacy Game, at Bingo Fitness.
Tuwing Linggo, pwedeng mag-zumba, mag-jogging, at magbisikleta sa kahabaan ng Tomas Morato (Scout Rallos hanggang Don A. Roces) mula 6AM hanggang 10AM.
Isinasara ang bahagi ng nasabing kalsada tuwing Linggo, sa bisa ng City Ordinance 3345-2024 na naglalayong maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




