Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Sunday, QCitizens!![]()
Sama-samang nag-ehersisyo ang mga QCitizen at kanilang pets, ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday.
Sa pangunguna ng Education Affairs Unit at Schools Division Office, iba-ibang aktibidad ang handog para sa mga residente kabilang Zumba at Palarong Pinoy.
May libreng bike lessons din sa tulong ng Green Transport Division ng Department of Public Order and Safety, at Fresh Market mula sa Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.
Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces. Pwedeng tumakbo, mag-jogging, at walking dito mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.








