Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sama-samang nakisaya at umindak ang mga QCitizen sa Car-free, Carefree Tomas Morato ngayong Linggo!
Suot ang makukulay at nakakata-‘cute’ na halloween costumes, nag-Zumba, nag-jog, at nag-ehersisyo ang mga mamamayan sa kahabaan ng Tomas Morato.
Mayroon ding mga aktibidad, tulad ng libreng blood typing, photo booth, at CPR education para sa mga bata, sa pangunguna ng Novaliches District Hospital (NDH).
Masasaya at nakakaindak na tugtugin naman ang handog ng QC Symphonic Band sa kanilang morning community jam.
Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para mahikayat ang mga QCitizen na maging aktibo at mag-ehersisyo.








