Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mas naging buhay at makulay ang umaga sa Quezon City sa isinagawang Car-Free, Carefree Sunday na pinangunahan ng Office of the City Administrator.
Nakiisa ang mga residente sa samu’t saring aktibidad tulad ng pagtakbo, pagbibisikleta, jogging, tai chi, at zumba.
Nagsagawa rin ng QCitizen ID registration upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng lungsod sa mamamayan.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaang lungsod sa mga QCitizen na manatiling aktibo at bigyang-halaga ang kalusugan sa pamamagitan ng active lifestyle.










