Nag-uumapaw sa saya at sigla ang Tomas Morato ngayong Father’s Day!
Matagumpay muli ang Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday kung saan sabay-sabay nag-zumba, nag-jogging, at nag-bike ang mga QCitizen!
Kasama sa kasiyahan ang buong pamilya at adorable furbabies!
Hindi rin nagpahuli ang Office of the City Assessor sa pagdala ng saya sa pamamagitan ng mga Palarong Pinoy tulad ng luksong tinik at tumbang preso, pati na ang walkathon na may Squid Game twist!
Handa rin silang sumagot sa mga katanungan tungkol sa tax declarations ng lungsod.




