Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa last Sunday ng 2025, todo pa rin ang exercise at activities sa Car-free, Carefree Tomas Morato! ![]()
Iba-ibang pakulo ang inihanda ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) para sa mga QCitizen na nagpapapawis, nagja-jogging, at nag-eehersisyo.
Kabilang dito ang hands-only CPR, Palarong Pinoy, at educational activities para maisulong ang kahandaan at kasanayan sa panahon ng sakuna.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, kung saan isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.










