Tuloy-tuloy pa rin ang Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday!
Ngayong Linggo, aktibong naglaro, umindak, at nag-ehersisyo ang mga QCitizen sa mga aktibidad hatid ng QC Human Resource and Management Department.
Nakisaya ang mga residente sa zumba at palarong pinoy, at bumisita sa mga booth ng National Team for Sports, Bayanihang QC, at Mindscapes.
Tuwing Linggo, sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, isinasara ang kahabaan ng Tomas Morato (mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces Avenue) para maging ligtas at protektadong open space sa mga mamamayang nais magpapawis at mag-ehersisyo.








