Isang maaraw at maaliwalas na Linggo, Quezon City!
Game na game ang mga QCitizen na magpapawis at mag-ehersisyo ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday.
Bukod sa jogging, running, at zumba, nagkaroon din ng 2×2 friendly basketball game hatid ng QC People’s Law Enforcement Board (PLEB).
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maging protektadong open space, at maisulong ang active lifestyle sa mga residente.








