Isang maaraw at maaliwalas na Linggo, QCitizens!
Sama-samang nag-ehersisyo at nagpapawis ang mga QCitizen ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday.
Sa pangunguna ng QC Procurement Department, iba-ibang masasayang aktibidad ang inihanda para sa mga residente kabilang ang Bike Balance Challenge, Eco-walk Trivia, Zumba Burst, Chalk Art, at Pledge Wall.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa tuwing Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maging protektadong open space, at maisulong ang active lifestyle sa mga residente.








