Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naging masigla ang umaga sa Quezon City sa ginanap na Car-Free, Carefree Sunday na pinangunahan ng Quezon City General Hospital.
Nag-enjoy ang mga residente sa iba’t ibang masasayang activities tulad ng running, cycling, jogging, at zumba.
Mayroon ding libreng medical screening at konsultasyon para sa mga nais magpa-check up, habang masayang nakibahagi ang mga bata sa mga inihandang games at aktibidad para sa kanila.
Patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizen na maging aktibo at pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng active lifestyle.










